Duration 4:27

Justin Brownlee PAPALITAN si Andray Blatche sa Gilas | Gusto IPASOK ni Tim Cone

40 093 watched
0
474
Published 27 May 2019

Justin Brownlee PAPALITAN si Andray Blatche sa Gilas? | Gusto IPASOK ni Tim Cone Kung si Ginebra coach Tim Cone ang tatanungin, hindi na kailangang tumingin pa sa malayo para mahanap ang susunod na Gilas Naturalized Player. Dahil para sa kanya, ang kanyang prized import na si Justin Brownlee ang tamang tao para sa trabaho. Ilang taon nang pabalik-balik ng Pilipinas ang Georgia native, hindi lamang naghatid ng kampeonato para sa Ginebra kundi ilang beses na ring nirepresenta ang bansa sa ABL at Mighty Sport. At para kay Cone, sapat nang batayan ito para ikonsidera ang Ginebra resident import na mapabilang sa national team. Kung titingnan, posible itong mangyari dahil sa kasalukuyan ay mayroon nang bill para maging naturalized Filipino si Brownlee. “I know that Andray (Blatche) is a great player and I know all those guys. I really don’t have any say in that. But I tell you, my vote goes to Justin as the (naturalized player) for the national team,” Matagal na ring sinabi ng manlalaro na kung may tsansa ay handa siyang maglaro para sa Pilipinas. “He can change a team, not just by his play but his personality. He is an amazing player and a human being. He really is,” Pero kung sakaling makapasok nga si Brownlee sa Gilas Pilipinas, ay matatanggal naman si Andray Blatche dahil sa rules ng FIBA ay isa lang dapat ang Naturalized Player ng isang team. Kaya naman hindi sila pwede pag sabayin. So ibig sabihin nito, pag pumasok si Justin Brownlee sa National Team ay dapat tanggalin muna si Andray Blatche. Pero mukhang unfair nga namanito para kay Andray Blatche dahil isa na rin sa matagal ng Naturalized Player ng Gilas Pilipinas, at malalim na rin ang kanyang relasyon sa mga team mate niya. Inamin naman ni Justin Brownlee na mahirap tignan ang Gilas Pilipinas kung wala si Andray Blatche. Sa huli, ay hindi naman sina Team Cone at Justin Brownlee ang magdedesisyon kung papasok si Brownlee sa National Team, dahil nasa kamay parin ng SBP ang Huling desisyon. kung papalitan nga ba nila si Andray Blatche. Magiging mahirap ito kung biglang may mga players na mawawala sa National Team dahil nalalapit na ang FIBA World Cup at hanggang ngayon ay wala paring preparation ang Gilas Pilipinas dahil nga busy ang mga ito sa kanilang kanya kanyang Team. Sana nga ay bigyan ng SBP ang Gilas Pilipinas ng mas mahabang time para makapa handa sila ng maayos para sa FIBA World cup. Malalakas ang mga ka bracket ng Gilas Pilipinas. Makakalaban nito ang number four sa buong mundo na Serbia at kailangan ng Gilas ng dalawang panalo para makapasok sa second round. Kaya naman parang kulang ata ang Binibigay ng SBP para makapag prepare sa FIBA World Cup ang National Team. Hindi daw kasi nila inexpect na makapasok ang Gilas sa World Cup kaya naman nahihirapan ang PBA at mga Team Owners na magbigay ng desisyon. Papugay sa coach ng Gilas na si Coach Yeng Guiao. Panibagong simulain para sa lahat ng manlalaro ng Gilas ito. Bagong sistema, ibang klaseng istilo na mga manlalaro ang pipiliin ni coach Yeng at ang sigurado, palaban ang dapat na ipakita ng Gilas. Kailangan talaga ng full time commitment ka ‘pag ikaw ay naatasang humawak ng isang national team. May malaking tulong pa rin para sa Gilas Pilipinas ang pagkakaroon ng mga tune-up games bago ang pagsabak sa FIBA World Cup. Sinabi ni dating Gilas coach Chot Reyes, gaya ng kaniyang ginawa noong limang taon na ang nakakalipas ay patuloy ang kanilang pagsasagawa ng tune-up games. Dagdag pa nito na ang nasabing mga tune-up games ay lalong nagpatibay sa bawat miyembro. Reaksyon ito ng dating Gilas coach sa nalalapit na pagsabak ng national team sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa katapusan ng Hulyo. Pero dahil kulang ang preparasyon nang Gilas ay mukhang malabo na tong mangayari. BACKGROUND MUSIC SOURCE: /channel/UCht8qITGkBvXKsR1Byln-wA Tags: Justin Brownlee PAPALITAN si Andray Blatche sa Gilas,Gusto IPASOK ni Tim Cone,justin brownlee,andray blatche,justin brownlee andray blatche,justin brownlee gilas,justin brownlee replace andray blatche,fiba world cup,gilas pilipinas,fiba world cup 2019,gilas,justin brownlee andray blatche tim cone,noypi alliance

Category

Show more

Comments - 73